Atty. Gutierrez: “Pangulong Duterte walang magagawa kung mapalitan ni Robredo”

Matapos ang muling pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes, ika – 4 ng Oktubre na hindi naaangkop mamuno ng bansa si Vice President Leni Robredo, bumwelta naman ang Vice Presidential Spokesperson na si Atty. Barry Gutierrez at sinabing ‘WALANG KONTROL’ ang Pangulo sa hahalili sa kanya sakaling magbitiw na ito sa puwesto.

NO CHOICE – Nilinaw ni Gutierrez sa kanyang panayam sa AM Radio Station na dzBB na TANGING si VP Leni lamang ang karapat – dapat na pumalit kay Pangulong Duterte kapag nabakante ang posisyon ng Pangulo, ayon sa Konstitusyon.

Aniya, “Hindi niya (Duterte) call kung sino ang magsa-succeed sa kaniya kung sakali mang siya ay magbibitiw sa pwesto.”

“Yung Konstitusyon na sinumpaan niyang tutuparin at ipagtatanggol, yun din yung Konstitusyon na nagsasabi na kung sakaling siya ay bababa sa pwesto, ang papalit sa kanya ay ang nahalal na bise president,” dagdag ng abogado.

Pambabastos naman daw umano ang ginagawang patuloy na pag – insulto ng Pangulo kay VP Leni sapagkat pareho lamang silang inihalal ng taumbayan at hiniling na sana’y gampanan na lamang nito ang kanyang tungkulin kaysa pairalin pa ang pamumulitika nito.

“Pareho silang nahalal, pareho silang may tungkulin na kailangang gawin. At ang sinasabi ni VP ay siya ay tahimik na nagtatrabaho. Sana ganun din ang maging ugali ng ating presidente dito sa harap ng maraming problema na hinaharap ng ating mga kababayan. Mas mabuti sana na imbes na magsiraan pa, magtrabaho na lang,” ayon kay Gutierrez.

Mababatid na nauna nang nabanggit ni Pangulong Duterte na hindi umano uubra si VP Leni na mamuno sa bansa sakaling maamyendahan ang Konstitusyon.

Sa naging panayam nito matapos ang isang business meeting sa Clark Freeport Zone, Pampanga kamakailan, tahasang sinabi ng Pangulo na “I don’t think she will ever be ready to govern the country. Reason? Incompetence. She is not capable of running a country like the Philippines”.

Nanindigan na din ang Pangulo na hindi ito basta – bastang bibitiw sa puwesto para lamang ipa – ubaya ang Presidential post kay VP Leni.

Source: tnt.abante.com.ph
What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think