Best Globe Promos na mas Pamalit sa GOSURF50, ALAMIN!

Pinakita ng isang concerned Netizen sa social media ang mga promos na hindi alam ng mga Globe users na mas sulit pa sa promong GOSURF50.

Matatandaan natin na dinagdagan ng Globe Telecom ang mga libreng features sa promong ito katulad ng karagdagang 1GB para sa GOWATCH and GOPLAY. Iba pa ang libreng 300 MB na data sa isang application na pipiliin at 1GB din na mobile surfing na aabot sa tatlong araw.

Makikita sa unang kuha na litrato na may mga bagong promo na hindi na naka “data cap”, at “unlimited” na paggamit ng internet sa loob ng tatlong araw o isang buwan. Mas mura ito sa matagal na promo ng Globe na “SUPERSURF”, na kailangang magbayad ng 50 pesos sa isang araw.

Sa litratong ito, makikita na bukod sa walang kasawaang pag gamit ng internet ay may kasama pa itong pangtext, at libreng pag gamit ng Facebook sa isang araw. Ito ay halos nasa kalahating presyo ng mga promo ng Globe na matagal nang buhay.

Ngunit wala pa ang makakapagsabi kung ang mga promong ito ay hanggang 1GB lang ang pupwedeng makonsume kada araw dahil sa “data consumption policy” na pinapatupad ni Globe sa kanilang mga “unlimited surfing promos”

GOSURF laban sa bagong PROMOS

Kung tutuusin, mas sulit pa ito sa mga promo na ipinapatupad ni Globe dahil hindi mo na kailangang magkaroon pa ng libreng YouTube, Twitter or Facebook kasi walang kasawaan naman ang pag gamit ng internet sa mas murang halaga.

Subukan mo para malaman mo kung gaano sya makakatipid sa iyong gastusin lalo na kung umaasa ka lang talaga sa internet na nagmumula sa iyong mga cellphone.

SOURCE: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think