BREAKING: PNP Chief Albayalde Sa Mga Iskolar Ng Bayan, “Hindi Na Nga Nagpapasalamat Sa Libreng Edukasyon, Kakalabanin Nyo Pa Ang Gobyerno?”

Nasawi ang limang kasapi ng PDEA samantalang 2 ang sugatan matapos paulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang grupo ang kanilang sasakyan sa Brgy. Malana, Kapai, Lanao Del Sur.

Ambush

Ayon sa pulisya, lulan ng isang van ang 7 kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA patungo sa Marawi City nang sila ay tambangan ng di pa nakikilalang mga salarin at paulanan ng mga bala. Agad nasawi sa nangyaring ambush ang mga biktimang kinilalang sina Kenneth Tabulo, Kristine Mae Torlao, Lores Joy Amar, Binzo Dipolla, at si Diobel Pacini. Kinilala naman ang 2 sugatan na sina Rachel Gentapanan ng PDEA at ang Non-uniformed Personnel (NUP) na si Normina Dicay na pawang nasa malubhang kalagayan.

Sinubukang pang dalhin ng mga rumespondeng kapulisan sa ospital ang mga biktima ngunit DOA ng dumating ang mga ito sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City. Ang 2 sugatan ay kasalukuyang nasa masusing obserbasyon ng mga doktor dito.

Programa Kontra Sa Droga

Napagalaman na ang mga biktima ay galing sa isang programa para sa mga drug surrenderers sa Tagoloan police station bago mangyari ang karumal dumal na krimen. Wala silang kasamang security convoy sapagkat ang kanilang dinaluhan ay hindi naman isang operasyon.

Taliwas sa mga balita na puro pagpatay at paglabag sa karapatang pantao ang hatid ng “war on drugs” ni pangulong Duterte, may mga programa ang PDEA para sa rehabilitasyon ng mga drug surrenderers. Sila ay tinuturuan ng iba’t ibang klase ng mga kaalaman na maaari nilang magamit sa pagbabagong-buhay.

Motibo Sa Pagpatay

Samantalang wala pang inilalabas na opisyal na mga suspek ang pulisya pati na rin ang motibo ng pagpaslang, isang source ang nagsabi na maaari itong may kinalaman sa pagkakahuli ng PDEA-ARMM sa mga narcopoliticians noong nakaraang Setyembre lamang sa Lanao Del Sur.

Naaresto sa isang raid sila Hussien Magandia, isang Provincial Board Member ng Lanao del Sur, ang kanyang asawang si Norhainah Magandia, si  Amienquialed Dimal na isang konsehal sa Marawi City , at dating barangay chairman Aktar Magandia ng Barangay Maguing Proper sa Lanao del Sur.

updatedtayo.info
What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think