LOOK: Thinking Pinoy, Binanatan ang pananahimik ni Karen Davila at ng ABS-CBN ukol sa Sexual Harassment Isyu

Pinansin ng blogger na si Thinking Pinoy ang pananahimik ng beteranang mamamahayag na si Karen Davila at ng higanteng istasyong ABS-CBN hinggil sa isyung Sexual Harassment na inihain ni Gretchen Fullido laban sa mga news executives at kawani ng istasyon.

Women’s Rights

Maaalalang kamakailan lang ay nagsampa ng kasong Sexual Harassment ang news anchor na si Gretchen Fullido laban kina Cheryl C. Favila, dating ABS-CBN News Executive, at Maricar P. Asprec, ABS-CBN News Segment Producer. Bukod dito naghain din sya ng kasong Libel kay Ces Drilon at Venancio Borromeo, news executives ng ABS-CBN, at news reporter Marie Lozano.  

Asan Na Sila?

Sa isang post ni Thinking Pinoy sa Facebook, pabiro nyang sinulatan ang Meralco upang tingnan ang kalagayan ni Karen Davila, sapagkat si Davila diumano ay madalas na nangunguna pagdating sa usapin ng women’s rights. Ngunit napaka tahimik ni Davila ngayon kaya ito ay ipinagaalala ni TP, baka daw naputol ang kawad ng kuryente o di kaya’y na low batt.

Ganundin ang puna nya sa higanteng istasyong ABS-CBN, na tila walang kibo tungkol sa usapin ng Sexual Harassment sa kanilang kompanya. Ito ay taliwas sa masipag nitong pagsisiyasat ng ibang isyu tungkol sa women’s rights.

Ces Drilon

Samantala, sumagot na si Ces Drilon sa mga paratang ni Fullido sa kanya. Sinabi nyang sya ay nalulungkot dahil malapit sa kanya ang usaping sexual harassment sapagkat siya ay naging biktima na rin nito. Madiin nyang itinanggi ang mga paratang sa kanya ng news anchor na si Grtechen Fullido, bagkus sinabi nyang ang kanyang mga statement nuong isinagawa ang internal investigation ng ABS-CBN ay binaluktot upang magmukha syang masama sa mata ng karamihan.

Reaksyon Ng Netizens

Marami sa ating mga netizens ang bumatikos sa pananahimik ng ABS-CBN hinggil sa isyu. May nagsabi na nuong si Duterte ang nagkaroon ng isyu tungkol sa pagbibiro sa isang babae, agad agad na pumatol sa isyu sila Davila, at iba pang kasapi ng ABS-CBN, ngunit ngayon ay para silang pipi sa nangyaring gusot sa loob ng kanilang bakuran.

Source: Facebook, updatedtayo.info
What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think