OKs! Pilipinas Magbibigay Ng 16M Tulong Sa Nasalanta Ng Tsunami At Lindol Sa Indonesia

Bagamat biktima rin ang Pilipinas ng sunod sunod na sakuna at kalamidad, hindi ito hadlang upang magbigay tulong sa ating kapwa bansa sa Timog Silangang Asya. Inaasahang magbibigay ang gobyerno ng mahigit sa 16M halaga ng donasyon para sa mga biktima ng lindol at tsunami sa bansang Indonesia.

Tulong Sa Mga Biktima

Matatandaang niyanig ng isang malakas na lindol at isang tsunami ang Indonesia nitong nakaraang Setyembre 28 na naging sanhi ng pagkasawi ng 2000 katao at pagkasira ng napakadaming tahanan at gusali.

Napakahirap para sa isang bansa ang makabangon sa ganitong klaseng sakuna, at kailangan ng tulong mula sa ibang mga nasyon para sa mga relief operations at rehabilitasyon ng mga nasira ng sakuna.

Kaibigang Nasyon

Bilang pagkilala sa pagkakaibigan ng Pilipinas at Indonesia, nakatakdang magbigay ang Pilipinas ng donasyon na aabot sa halos 16 milyon o $300,000 dolyar. Ayon sa isang pahayag ng GMA News sa kanilang Facebook, ipinahayag ng Ambasaddor ng PHL sa Indonesia na si Lee Hiong Tan Wee ang nasabing donasyon sa isang press conference sa Indonesia kamakailan.

Bukod dito, nagpadala rin ng isang C-130 na eroplano ang ating bansa para tumulong sa relief operations sa lugar ng sakuna. Ito ay nakatakdang bumalik sa Oktubre 15 para sa isa na namang operasyon.

ASEAN Meeting

Si pangulong Duterte ay nakatakda ring pumunta sa Indonesia para sa nalalapit na ASEAN Leader’s Gathering at International Monetary Fund and World Bank Group Annual Meeting na gaganapin sa Bali, Indonesia.

Dahil dito, magkakaroon ng simpleng seremonya at pagpupulong si Pres. Duterte at Indonesian President Joko Widodo, at inaasahang mapag-uusapan ang terorismo, peace and order, at kalakalan ng dalawang bansa.

Halos 8000 mga Pilipino ang naninirahan sa Indonesia, at karamihan sa mga ito ay mga propesyunal na humahawak ng tungkulin bilang Resort Managers o di kaya’y mga guro ng English Language.

Ito ang ilan sa mga reaksyon ng ating mga kapwa netizens.

Source: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think