Panoorin: Mystica, Nagpasalamat sa Kanyang mga Basher at Natuto sa Kanyang Pagkakamali

Hindi mo talaga malalam kung ano magiging kapalaran mo sa buhay bilang isang artista kahit pa sa mga ordinaryong tao. May mga artista na nagtagumpay at patuloy ang pag-angat ng buhay dahil sa biyaya na kanilang natatanggap at kasikatan.

Pero may mga artista din na nakakaranas ng pag-angat pero sa huli maghihirap din.

Maraming dahilan kung bakit nila sinapit ang ganitong kapalaran, dahil nalulong sa droga, naging mayabang kaya iniwan ng mga tagahanga, nawala ang kasikatan dahil sa hindi magandang pag-uugali o iba pang dahilan kung bakit sila na-laos.

Isa na dito ang 90s “Split Queen” na si Mystica ang nakaranas ng ganitong kapalaran. Noong nakaraang buwan lamang, nag-live video ito at humihingi ng tulong sa mga taong gusto tumulong sa kanya kabilang na ang sikat na aktor na si Coco Martin.

Sa live video niya din na yun, humingi si Mystica ng sorry sa kanyang binatikos na si pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang panlalait sa pangulo.

Hindi naawa ang ilang Duterte supporters sa kanya. Sa halip ay kinansyawan pa ito at sinasabing “karma” raw ito kay Mystica kung bakit nangyayari ito sa kanya ngayon.

Subalit, makalipas ang ilang araw, masayang binalita na sinagot ni Coco Martin ang kanyang kahilingan na mapasama sa ‘Ang Probinsyano’.

Pasasalamat sa mga Basher

Ayon kay Mystica, kung hindi dahil sa kanyang mga basher ay hindi madidinig ng mga taga-showbiz ang kanyang hiling na makapasok muli sa pagiging-artista.

“Sa mga fans ko and of course sa mga basher na rin, kung hindi po kayo nandoon at sumusuporta sa akin.. Then wala rin ako ngayon bumalik sa showbiz”

Natoto sa Kanyang Pagkakamali

Ayon kay Mystica, may natotonan raw siya sa mga nangyari sa kanyang buhay. Ito raw ay ang pagbibitaw ng mga salita against sa ibang tao na hindi pinag-iisipan.

Ayon pa sa kanya, babaguhin niya na raw ang kanyang attitude. Kung dati raw ay wala siyang pakialam sa taong pagsasalitaan niya ng masama ngayon ay mayroon na.

Nangako naman siya na hindi niya na gagawin ito sa ibang tao tulad ng ginawa niya noon kay pangulong Duterte.

Panoorin ang buong video.

Reaksyon ng Netizen

Positibo naman ang naging reaksyon ng mga Netizen sa mga sinabi ni Mystica. Gusto naman ng ilang na bigyan ng pagkakataon si Mystica.

SOURCE: Youtube

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think