Power! Netizen Nagbabala Na Scam Ang Aim Global!

Open-minded ka ba? Yan ang kadalasang tanong ng mga networker kapag nagbabalak na imbitahan ang ibang tao na maging myembro ng kanilang networking company.
Sa isang network, kinakailangan na magrecruit ng marami para kumita at magbenta ng mga produkto ng kumpanya para mas lalong kumita.

Networking

Tipikal na makita ang mga networker sa Facebook na kung saan ay nagpopost sila ng mga larawan na may magarang kotse, bahay, at limpak limpak na pera, paraan upang mas makaengganyo ng mga taong pwede mairecruit. Ngunit ano nga ba ang kwento sa likod ng mala-tagumpay na larawan na ito.

Totoo nga ba ito? At ngayon na may isyu na ito na kinasasangkutan ang mga Overseas Filipino Workers mula sa iba’t ibang lugar.

Aim Global

Isang netizen na nagngangalang Jocelyn Solitana ang nagbigay ng ideya upang mabuksan ang pag-iisip ng mga OFW na nasasangkot sa networking. Tirada nito ang AIM Global na syang umano ay nang-i-scam sa karamihan ng mga OFW mula sa bansang Papua New Guinea, Africa, at Middle East.

Payamanin Ang Upline!

Sinasabi ni Jocelyn kung paano ang tahasang panloloko ng nasabing scam sa pagpapahirap sa mga ito na magpa-member sa halagang 8 libong piso, pagbebenta ng mga produkto na hindi naman mahalaga sa buhay at ang pagrerecruit ng mga downline na syang nagpapayaman sa mga nakatataas na opisyal ng kumpanya.

Iminulat nga na wala ni isang yumaman sa AIM Global. Pinakita ni Jocelyn ang mga naipong pera mula sa puspusang pagtatrabaho na syang mas makatotohanan kaysa ang umanib sa networking na sinasabing scam.

Binalaan nito ang mga kapwa-OFW na huwag magpaloko sa huwad na kumpanyang ito. Maging ang mga nagbanta sakanya ay pinasaringan din nito. Awa din naman ang naramdaman nito sa mga kabayan na naloko nito. Pinaalalahanan nito na wag hayaang maibigay ang mga pera ng mga OFW sa panloloko ng AIM Global at sinabing mandurugas ang mga ito.

Suporta Ng Netizens

Sinuportahan naman ng mga netizens ang video ni Jocelyn at sumang-ayon sa mga sinabi nito. Halos lahat ng tao ay bukas na ang kaisipan ukol sa mga ganitong bagay. Nag-viral ang post ni Jocelyn na sya rin namang kinatuwaan ng mga netizen.

Source: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think