Quiboloy Slam by Netizens for saying “Ako Ang May-ari Ng Sanlibutan!”

Sinabi ng pastor ng Kindom Of Jesus Christ na si Apollo Quiboloy na sya ang itinalaga ng Diyos na bagong Hesus at sya ang nagmamay-ari ng buong sanlibutan. Ito ay sa kabila ng pagiimbestiga sa kanya ukol sa “child sex ring” at “human trafficking” ng FBI kamakailan lamang.

Sino Si Quiboloy?

Taong 1985 nang itayo ni Quiboloy and Kingdom Of Jesus Christ, The Name Above Evry Name. Nagsimula ito ng may 15 na tagasunod lamang, Ayon sa mga ulat, ang bilang ng mga followers ni Quiboloy ngayon ay umaabot na sa 4 milyon sa bansa at 2 milyon sa iba’t ibang lugar sa mundo.

Si Quiboloy ay isang matagal ng kaibigan ni Pangulong Duterte, ngunit sila ay magkasalungat pagdating sa pamumuhay. Simple lamang kung mamuhay ang presidente, samantalang si Quiboloy ay nabubuhay sa karangyaan, ilan sa pagmamay-ari nito ay ang Cessna private plane at isang Bell helicopter na tinanggihang gamitin ng pangulo nung oras ng kampanya.

Bagong Hesus

Sa isang video na ibinahagi ng Ang Tamang Daan Contrdiction Teachings sa Facebook, sinabi ni Quiboloy na sya ang nagmamay-ari ng sanlibutan, at siya ang tumalo sa demonyong si Lucifer, na ama diumano ng mga lider ng ibang relihiyosong grupo. Ang pinatatamaan nya dito ay ang grupo ng Iglesia Ni Cristo.

Katulad ng dating nakagawian pag may pagtatalo ang mga relihiyosong grupo, ito ay dinadaan nila sa debate. Ngunit si Quiboloy ay tumangging makipagdebate sapagkat siya na daw ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Pag-aari daw niya ang lahat ng kaluluwa ng mga tao.

Mga Kaso Ni Quiboloy

May 8 ektaryang lupain si Quiboloy Sa davao kung saan ito rin ang Main HQ ng Kingdom of Jesus Christ at dito rin nakatayo ang Jose Maria College, isang eskwelahang kanyang itinayo. Ngunit marami ang nag aakusa sa kanya ng “Landgrabbing” para palakihin ang kanyang lupain. Nitong 2014, pinaalis sa kanilang mga tinitirhan ang mga Lumad, mga katutubo ng Davao, ng mga armadong lalaki sa utos daw ni Quiboloy para palawakin pa ang kanyang nasasakupang lupain.

Kamakailan lamang ay inakusahan din si Quiboloy ng dating kasapi ng kanyang sekta ng “Child Sex Ring” samantalang ang FBI naman ay kinulong si Quiboloy panandalian matapos mahuli sa kanyang private plane ang $350,000 at mga armas.

Ito ang reaksyon ng mga netizens tungkol sa isyu.

Source: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think