TAMA! PNP Chief Albayalde Sa Mga Iskolar Ng Bayan, “Hindi Na Nga Nagpapasalamat Sa Libreng Edukasyon, Kakalabanin Nyo Pa Ang Gobyerno?”

Hindi naitago ni PNP Chief Oscar Albayalde ang kanyang pagkadismaya sa mga estudyante ng State Universities matapos malaman na kasali ang mga ito sa planong pagpapabagsak sa pamahalaang Duterte.

“Red October”

Sa isang panayam sa media noong huwebes, kinumpirma ng hepe ng PNP ang tinaguriang “Red October”, isang planong pagaaklas na pinamumunuan ng mga maka kaliwang grupo tulad ng CPP-NPA at ang mga sumisimpatiya rito. Napagalaman din ni Albayalde na aabot sa 18 eskwelahan at unibersidad ang pinuntirya ng NPA para manghikayat ng estudyante na lalahok at sasali sa grupo.

Pagtanaw Ng Utang Na Loob

Inilabas din ni PNP Chief Albayalde ang kanyang hinaing ukol sa mga pagkilos ng mga estudyante, lalo na ang mga tinaguriang Iskolar Ng Bayan. Sa kabila ng pribilehiyong nakukuha nila sa gobyerno kung saan sila ay ginawaran ng libreng edukasyon, nakukuha pa rin nilang mag aklas laban dito.

“Ito masabi ko… these youth are given free education by no less than the government, hindi ba? In state universities you are given free education by the government and yet hindi ka pa nag-ga-gragraduate you are already going against the same government that gives you free education.” pagdidiin ni Albayalde.

Ito ay kinumpara nya sa pagaaral sa Philippine Miltary Academy kung saan siya nagtapos. Ang mga estudyante dito ay libreng ding makakapagaral para maging sundalo ngunit kailangan nilang magtrabaho sa gobyerno ng di kukulang sa 8 taon pagkatapos nilang grumadweyt.

https://external-sin6-1.xx.fbcdn.net/safe_image.php?d=AQDLeZf5ZyBqIh2O&w=540&h=282&url=http%3A%2F%2Fupdatedtayo.info%2Fwp-content%2Fuploads%2F2018%2F10%2Ftumpak-sir.png&cfs=1&upscale=1&fallback=news_d_placeholder_publisher&sx=0&sy=0&sw=559&sh=292&_nc_eui2=AeHGSg-yOrbxSWAZsZJVEvCTAgx9-eMiEYkSPrIUPIthzwaHZNgN82qNIK3v5wxlok_smIILk76P7qm17qD9ZdljD5Ybjj4VxA9f86KBRU7TLQ&_nc_hash=AQDOrUvdsezxyJRE

“Samantalang kami when we were given free education we were required to serve the country for a minimum of 8 years kahit saan,” paliwanag nya.

Mga Gurong Subersibo

Hindi din pinalampas ni Albayalde ang balitang ang mga guro mismo ang naghihikayat sa estudyante na sumali sa pagaaklas laban sa rehimeng Duterte. Sinabi nya na maaaring makasuhan ng “contempt” ang mga gurong ito.

“Eh kung kasuhan kaya natin yung teachers na nag-iinstigate ng mga estudyante? Diba? They should be also charged for contempt, dahil kung anu-anong itinuturo sa mga estudyante, kung meron mang faculty members,” paliwanag ng hepe.

updatedtayo.info
What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think