Tanga mag-isip? Ang Pagsusuot Ng Mask Ng Pangulo Sa Hong Kong, May Malubhang Karamdaman Daw Ito.

Gusto na namang lumikha ng ingay ang Magdalo party list representative na si Gary Alejano nang sabihin nito na ang pagsusuot ng face mask ni Pangulong Duterte sa Hong Kong ay indikasyon na may malubha itong karamdaman.

Sino Si Gary Alejano?

Si Gary Alejano ay isang dating sundalo na kasama ni Trillanes ng sila ay magtangka ng Coup’ d’etat noong panahon ni Pangulong Cory Aquino. Isa rin sya sa mga ginawaran ng Amnesty ni Pnoy nuong 2011. Katulad ng kaibigan nyang si Trillanes, isa si Alejano sa mahihigpit na kritiko ni Pangulong Duterte at ng administrasyon nito.

Malala At Malubha

Sa isang pahayag na ibinahagi ng Pinoy Trending, pinaratangan na naman ni Alejano si Pangulong Duterte ng paglilihim ng kanyang tunay na karamdaman. Ito ay sa kabila ng paganunsyo ng pangulo sa kanyang kundisyong pisikal kamakailan lamang. Kinumpirma din ni SAP BOng Go, na nasa maayos na kalusugan ang pangulo, at kaya nitong manungkulan hanggang sa wakas ng termino nito.

Nag-ugat ang pambibintang ni Alejano ng makuhanan ng larawan ang pangulo na nakasuot ng face mask. Sila ay kasalukuyang namimili sa Causeway Bay sa Hong Kong ng siya ay mapansin ng netizen at ipost ito sa social media

“Nakatakip ang mukha ng pangulo ng mask. Isa itong indikasyon na may malubha siyang sakit na iniiwasang maimpeksiyon,”ang sabi ni Alejano.

Ipilit Mo

Bagamat makikita na nagtanggal din ng mask ang pangulo di katagalan, ipinipilit ni Alejano na ito ay nagpunta sa Hong Kong upang magpagamot sa kanyang malubhang karamdaman. At hinihikayat nya ang Malakanyang na sabihin ang totoo at ibunyag ang tunay na lagay ng pangulo.

“Naniniwala ako na ang pagsuot ng mask ay hindi para ikubli ang pagkatao ng Pangulo dahil kilala naman ng libu-libong Pilipino sa Hong Kong si SAP Bong Go, Honeylet Avanceña at ang anak nito, pati ang halos dalawampung security escorts na kasama ng pangulo”.

Muli, nanawagan ako sa Malacañang na isa-publiko ang tunay na estado ng kalusugan ng pangulo. Nais natin na malusog siya at nasa tamang kondisyon at pag-iisip upang maharap niya ang samu’t saring problema na kinakaharap ng bansa ngayon,” pagwawakas ni Alejano.

Ito naman ang mga reaksyon ng ating netizens.

Source: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think