The Best! Mala Airport Na Terminal Ng Bus, UV Express At Jeep Sa Paranaque, Magbubukas Na

Ang Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX, isang landport na may mga modernong pasilidad na maikukumpara sa international airport ng bansa, ay nakatakda ng buksan para sa publiko sa darating na Nobyembre.

Trapik Sa Maynila

Hindi maikakaila ng sinuman na grabe na ang sitwasyon ng trapik sa bansa, lalo na sa Metro Manila. Ito ay sanhi ng sobrang bilang ng mga sasakyan na dumaraan dito. Isa rin sa nakitang dahilan ay ang mga terminal ng bus na nakakalat sa iba’t ibang lugar sa maynila. Ating mapapansin na ang trapik ay mas malala sa lugar na malapit sa mga terminal na ito.

Upang masolusyunan ang suliraning ito, minabuti ng Department of Transportation na gumawa ng isang terminal na layong pagsamahin ang mga terminal ng bus sa iisang lugar para maibsan ang trapik sa syudad.

PITX

Sa unang tingin ay aakalain mong ito ay isang international nating mga paliparan. Fully airconditioned, may libreng charging station, libreng wi-fi, at magagarang palikuran.

Tulad ng mga airports, mayron din itong mga gates para sa arrival at departure at may mga luggage carts para sa bagahe ng mga pasahero. Mayroon din itong prayer rooms sa mga gustong magdasal bago sila bumyahe sa patutunguhan.

Siserbisyuhan ng PITX ang mga pampasaherong bus ,vans, at jeeps na bumibyahe galing sa Cavite at Batangas.

Layunin Ng PITX

Ayon sa General Manager ng PITX na si Mariano Arroyo Jr., Ang pangunahing layunin ng PITX ay ang mabawasan ang trapik sa Metro Manila. Ang mga bus at jeep ay magkakaroon ng iisang terminal upang hindi na sila huminto sa kalye para kumuha ng pasahero, at upang maalis na din ang mga malalaking terminal sa gitna mismo ng Maynila.

Bukod dito, layon din ng PITX na bigyan ng maginhawang karanasan ang mga taong araw-araw na bumibyahe.

May Dagdag Pasahe Ba Sa PITX?

Niliwanag ni DOTR Asec Mark De Leon na walang dagdag na bayad ang isisingil sa mga pasaherong pupunta sa PITX para sumakay. Ang kanilang babayaran lamang ay ang pamasahe sa bus o sa alinmang pampasaherong behikulo na kanilang sasakyan. Samantala, isang maliit na terminal fee ang kukunin mula sa mga bus companies at mga jeeps.

Nakatakdang buksan ang PITX sa mga unang linggo ng Nobyembre at balak din ng gobyerno na gumawa pa ng mga 2 kaparehong terminal sa ibang bahagi ng Maynila.

Ito po ang ilang sa mga reaksyon ng ating netizens:

Source: Facebook 1 Facebook 2

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think